Product description
PAALALA: ALISIN SA BALOT N KAHON O PAPEL AT ILATAG LANG SA TABI
Sa bawat 500 grams na binhi kailangan ng 50-60 na bigkis ng dahoon ng sagin.
• Dahon ng saging na pinutol putol ng 11-12 inches ang haba at nakatali ng isang bigkis
• Kahoy na may tusok sa dulo, kailangan matibay para pangharang sa mga patong patong n mga dahon
• Lupa n pagtataniman: may batayan din nga pagpili ng lugar na pagtataniman
Pag maaraw kailangan sa medyo lilim pero nasisinagan parin ng araw or kapag tag-ulan sa lugar na direkta sa sinag ng araw.
1. Ibabad ang saging sa tubig 15-30 minutes sa drum o batya kailangng lubog ang mga dahon at hanguin at ilagay sa tabi na nkahiga. Tignan video 1
2. Ihanda ang lupang pagtataniman
3. Itusok ang kahoy sa lupa, dulo to dulo ang paglalagay ng kahoy
4. Baldian ng tubig ang bahagi ng lupang pagtataniman, kailangan basang basa ang lupa lalo na pag tag-araw.
5. Mag-lagay ng suphate fertilizer sa lupang pagtataniman,
6. Maglatag na ng basing saging sa lupang pagtataniman.
7. Pagkatapos mglatag ng dahoon isunod ang binhi ng kabuti.
8. After maglagay ng binhi maglagay ng sulphate fertilizer sa ibabaw.
9. Pagkatapos gawin ulit ang step 6,7 at 8
10. Gumawa ng 4 na patong.
11. Pagkatapos ng 4 na patong ilagay ang sobrang binhi sa gilid ng tanim niyo kasi minsan tumutubo ang kabuti sa lupa. Magsaboy na rin ng sulphate sa gilid ng tanim.
12. Diligan ang magkabilang gilid ng tanim. gumamit ng water hose o water sprinkle.
13. Coveran ng plastic at patungan ng mga bato ang bawat dulo para hindi liparin tignan video 3 Note: Basain muna ang mga plastic na parang naglalaba para makaipon siya ng tubig para sa pananim
14. Kinabukasan takpan na ng mga dahoon ng sagin o talahib ang pananim lalo na pag lugar ng pinataniman niyo ay drekta sa araw.
Sa ika 9-10 days ng tanim niyo, may makikita kayong maliliit na butil. (kasing laki ng butil ng munggo o mas maliit p). buksan niyo ang tanim niyo (alisin saglit ang cover nA plastic) diligan niyo gamit ang water sprinkler pagkatapos ibalik agad ang plastic at mga tabing na mga dahoon. Gawing ito sa hapon lamang. Hintayin niyo ng lng na lumaki ang mga kabuti hanggang pwede ng pitasin.