Nakilala ni Aliyah si Dane nang matanggap siya bilang doktor sa isang private hospital sa bayan ng Kitcharao. Unang kita pa lang niya sa binata ay naattract na siya. Pero pinigilan niya ang sarili na mahumaling dito lalo na nang malaman niya ang reputasyon nito bilang isang playboy.Parang laruan lang daw ang tingin nito sa mga babae. Dahil sa hindi niya ito maiwasan sa trabaho ay lagi niya na lang itong binabara at pinagsusungitan. Hanggang sa dumating ang araw na dinukot siya ng mga rebelde. Nagulat na lang siya nang makita niya ito sa kampo ng mga rebelde matapos ang ilang araw para iligtas daw siya nito at handa raw nitong isugal ang buhay para sa kanyang kaligtasan. Seryoso kaya ito o isa lamang itong laro upang maging bahagi siya sa listahan ng mga babae nito? Pero pareho silang nagimbal sa isang rebelasyon na pareho nilang nasaksihan doon...
Product Specifications
Origin: Local
Author's Name: Ygking
Publisher/Vendor:Acts 29 Publishing
Book Format: Trade Paperback
Year Released: 2024
ISBN/ISSN: 9786218334724
Translator: Filipino
Number of Pages: 144
Tags: Ygking, Fiction, Fiction & Literature, Philippine Fiction & Literature