Product description
The Fraud Prince by Jobelle Rivera (MPOP)
Pinalaking prinsipe at tagapagmana ng kaharian ng Peridot si Shell kahit inampon lamang siya ng hari't reyna para pagtakpan ang pagkawala ng tunay na tagapagmana. Sa pagpanawng kaniyang kinilalang ama, pansamantala siyang humalili sa trono.
Sa pagsapit ng unang anibersaryo ng kamatayan ng hari, lalabas ang Phoenix β ang nagbibigay-proteksiyon sa kaharian laban sa mga mananakop βpara basbasan ang susunod na hari. Bago mangyari iyon, kailangang mahanap ni Shell ang tunay na tagapagmana. Kung hindi, malalaman ng mga tao ang kanyang lihim.
Sa kadesperaduhan ay humingi siya ng tulong sa piratang si Idris. Ngunit hindi lamang barko at ginto na ipinangako niya ang gustong kapalit nito βkasama roon ang pag-angkin sa kanya.
Dimensions: 16 x 11 x 1 cm