Sa "Bahay ni Marta" inihaharap tayo sa kuwentuhan ng isang matandang bahay at isang ulilang batang tabingi ang mukha. Aakalain mong nagbibiro ang kuwentista, at tayo ay inaanyayahan sa isang kakatwang drama, na wari'y komiks ang patutunguhan. Pero habang pumapalaot tayo sa mga uli-uli ng istorya ni Marta, Tomas, Badong at Joaquin, nakakaramdam tayo ng siklot at sikdo ng mga emosyon at pagtuklas na hindi natin nawari sa simula na hinahabi pala ng awtor.