Product description
Gawing Mas Produktibo ang Inyong Pabo sa Tamang Breeder at Layer Feeds!
Naghahanap ba kayo ng specially-formulated feeds para sa inyong pinararaming lahi ng pabo? Narito ang sagot!
1. Hindi na Kailangan ng Halu-halong Sangkap!
Hindi na kailangang maghanap pa ng kung ano-anong ingredients tulad ng mais, darak, o sapal ng niyog. Minsan ay meron, minsan naman ay wala. Sa huli, mas napapamahal at ubos oras ka pa. Ang aming Breeder at Layer Feeds ay kumpleto na sa lahat ng kailangan ng inyong pabo!
2. Tamang Nutrisyon sa Anumang Panahon!
Kahit tag-ulan man o tag-init, siguradong nakakain ng tamang balanced daily nutrition ang inyong mga pabo. Mayroon itong 2900 kcal/kg energy, 14% CP, 10% Crude Fiber, 4% Crude Fat, 2.25% Calcium, 0.35% Phosphorous, at iba pang mahalagang bitamina at mineral. Huwag kalimutang iba ang nutritional needs ng pabo kumpara sa manok, itik, o pugo. Reference: Page 43, The Philippines Recommends for Livestock Feed Formulation.
3. Siguradong Patuloy ang Pangingitlog!
Kahit pa tag-ulan, tuloy-tuloy ang pangingitlog ng inyong mga pabo. Hindi sila sakitin kahit ilang araw pa ang bagyo!
4. Malusog na Buto at Matitibay na Itlog!
Walang lulumpo at walang soft-shelled eggs kahit apat o mahigit na taon na ang inyong mga pabo. Lahat ng ito ay dahil sa tamang level ng calcium at phosphorus sa kanilang katawan at pagkain.
5. Mabilisang Pangingitlog!
Sa loob lamang ng 6 hanggang 7 buwan, siguradong mangingitlog na ang inyong mga hen!
6. Tumaas ang Fertility Rate at Matitibay na Sisiw!
Mapapabuti ang fertility rate ng inyong tom at hen, at siguradong malalakas ang embryo sa incubator. Matitibay din ang mga sisiw mula pagkapisa hanggang sa unang dalawang buwan at handa na silang mag-range hanggang pagtanda.
Lahat ng ito ay posible dahil sa tamang nutrisyon mula sa tamang Breeder Feeds. Huwag magtipid—bigyan sila ng tamang pagkain at tamang pangangalaga!