Ang "Are You Called to Go or to Stay: Alin Ka Dalawa" ay nagpapaalala sa ating inutusan ni Jesus ang lahat ng mananampalatayang magpatotoo para sa Kanya sa lahat ng tao saan mang dako ng mundo. Ipinaunawa rin ng librong ito na sa konteksto ng pagmimisyon, tinawag ang iba upang humayo at ang iba naman upang manatili, subalit lahat ay may mahalagang bahagi.
Isinulat ang librong ito sa Filipino context at maaaring magamit sa missions education and mobilization sa local churches at small groups. Tinatalakay rin dito ang mga malimit tanungin ng mga interesado at nagko-consider na magmisyon.