Product description
Isa si Raven sa mga nangarap na makapasok sa prestihiyosong Ellison University. Hindi man ganoon kadali, ngunit tila sinadya ng pagkakataon na matupad ang pangarap niyang iyon. Kaakibat sa pangarap na ito ay makakawala na rin siya sa kanyang madrasta at stepsister na walang ginawa kung ‘di ang pahirapan siya.
Sa pagpasok ni Raven sa Ellison University ay halos tumalon ang puso niya nang makita niya roon si
Lhorde, ang lalaking nakilala niya noon at nag-iwan sa kanya ng napakagandang “first impression”.
Ngunit sa muling pagku-krus ng kanilang landas, tila ba malayong-malayo na ito sa binatang nakadaupang palad. Animo’y hindi siya nito nakilala man lang. Ang puso niya na masayang makita itong muli ay tila ba pinagpira-piraso. Akala pa naman niya, mayroon na siyang kaibigan sa loob ng unibersidad, pero nagkakamali siya. Hanggang sa malaman niya na si Lhorde pala ang heir ng Ellison Group. Parang lalong nawalan ng dahilan si Raven upang lapitan ang binata. Too good to be true, iyon si Lhorde para kay Raven.
Genre: Teen Fiction, Romance