Ang Paraluman ay alamat lamang—o iyon ang akala ni Hiraya.
Noong unang panahon, may pitong mandirigma na nagtanggol sa Paraluman, ang diwata ng buwan, laban sa diyos ng kasamaan. Sa biyaya ng Bathala, muling magkikita ang Paraluman at ang pitong mandirigma sa kasalukuyang mundo upang magligtas ng mga naaapi.
Subalit sa paglipas ng panahon, matapos ang mabagsik na pagsalakay ng mga Mabayan sa kanilang tribo, nawalan na ng paniniwala si Hiraya na may Paraluman na sasagip sa kanila. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, siya at ang Paraluman sa alamat ay iisa.
Sa bagong kapalaran ni Hiraya, haharapin niya ang mabigat na desisyon—ang pagpili sa pagitan ng tahimik na buhay, o ang pagtugon sa tungkulin na lumaban sa kadiliman bilang Paraluman.