Ito ay isang Parmotrema Perlatum sa botanical na pangalan dito sa pilipinas ang tawag nito ayun sa mga matatandang nagbebenta nito ay bahay ng alitaptap ang bagay na ito ay makikita lamang na nakadikit sa isang punong kahoy pero bihira lang po itong makita sa mga kahoy na nakikita natin sa paligid sapagkat mahirap po talaga itong hanapin kadalasan nito ay makikita sa mga mayayabong na gubat sa ibang bansa kagaya doon sa india ay ginagamit itong sangkap sa isang pagkain para daw maging maganda ang lasa nakakapagtaka kung ito ay iyong kakainin wala naman itong lasa dito sa pinas ginagamit ito sa mga negosyante na naniniwala sa pampaswerte para maging maganda at atraktibong tingnan ang kanilang tindahan o kahit anong negosyo binabalot nila ito sa telang pula at nilalagay sa gilid ng tindahan, sa bag, o sa altar nila marami nadin pong nakakapagpatunay na may mga negosyante talagang gumagamit ng bahay ng alitaptap at naging maunlad ang kanilang negosyo isa na dito ang saldem commercial enterprises sabi nila mainam din daw na dalhin ito sa kanang kamay pag maniningil ng utang.