Turuan ang mga bata ng ilang mga karaniwang salitang kilos o pandiwa. Sa harap ay may larawan ng batang gumagawa ng kilos at ang salita. Sa likod makikita kung paano ginagamit ang salita sa mga aspektong naganap, nagaganap, at magaganap.
Pagkatapos basahin ng bata ang salita sa harap, magtanong tungkol sa larawan upang gamitin ito sa pangungusap: Ano ang ginawa/ginagawa ng bata? O kailan niya gagawin ito?