Product description
May mga pagkakataong gusto nating takasan ang realidad ng buhay kaya’t lumalapit tayo sa mga libro, pagsusulat, o iba’t ibang anyo ng sining. Sa ganitong paraan, nagagawa nating lumikha ng sarili nating mundo.
Ngunit si Angelique, may kakaibang paraan para makatakas sa kanyang realidad—sa pamamagitan ng paglu-lucid dream. Kaya niyang kontrolin ang kanyang mga panaginip, at gabi-gabi niyang tinatakasan ang totoong mundo para lumikha ng buhay na perpekto. Sa kanyang mga panaginip, maginhawa ang kanilang buhay, masaya siya, at parang lahat ng kanyang pinapangarap ay natutupad.
Ngunit isang araw, nagulat siya nang biglang may isang lalaki na nakapasok sa kanyang panaginip—at hindi siya nito tinigilan sa panggugulo.
Ang pangalan niya ay Caleb, isang dream traveler.