Product description
BUNDLE OF 3 TAGALOG SUPERNATURAL THRILLER NOVEL by Sweet_Phoenix35
with FREE LUNA'S TRIANGLE by Veronica Cullen
SUMMER BREAK by Sweet_Phoenix35 [P95, 120 pages]
Summer is relaxation and fun. Syempre looking forward ang Lorenzo siblings sa mga lakad. Ang sarap yatang mag-swimming sa lugar ng grandparents nila, sa Laguna para kay Lin-Lin. Si Tere kahit doon din ang destinasyon ay nag-side trip pa para maki-fiesta at gumawa ng podcast sa bayan ng isang kaibigan, sa Quezon.
Ang ate nilang si Bien ay naimbitahan naming mag-mountain climbing sa Banahaw. Si Lou na pinakapanganay ang medyo reluctant sa work break. A-attend kasi siya sa beach wedding ng ex sa Samar. Awkward, right?
Nangako naman ang mga kapatid ni Lou na sasamahan siya. Ang siste, bawat isa sa kanila ay naipit sa magkakaibang sitwasyong madugo at kakilakilabot...
DILAW NA BUWAN by Sweet_Phoenix35 [P100, 140 pages]
'May lahing werewolf ang mga de Luna'. Ito ang ideyang dinala ni Kyla sa puso't isipan mula pagkabata. Nasaksihan kasi niya ang pagbabago sa ugali ng namayapang ama na si Fausto de Luna. Ang pag-aasal hayop nito ang naging dahilan ng sandaling pagtalikod sa kanila ng ina. Sa tingin ni Kyla, kaya niyang tanggapin ang sumpa. At senyales na ang mga masasamang panaginip sa tuluyang transpormasyon niya. Ngunit mariing iginiit ng pinsan niyang si Bon John de Luna na walang katotohanan ang pagiging werewolf nila. Na ang mga karumaldumal na krimen sa Luna Pharma ay kagagawan
ng ordinaryong tao at hindi ng isang halimaw. Gustong i-convince ni Kyla ang sarili.
Pero paano niya maiikunekta ang mga bangungot sa ordinaryong kriminal na tinukoy ng pinsan sa tuwing kabilugan ng buwan? Paanong may mga dugo siya sa bibig nang gabing kinagisingan niya ang nilapang katawan ng alagang tuta?
At papaano napunta sa kanyang bag ang duguang kuwintas ng BFF na si Mau?
PARAISO DE MALIGNO by Sweet_Phoenix35 [P100, 132 pages]
May tumulak kay Rose Anne Grandia sa ilog na muntikan na niyang ikalunod. Nagkaroon siya ng suspetsa na may gustong pumatay sa kanya. Wala siyang pwedeng pagtiwalaan. Hindi naging maganda ang reputasyon ng mga namayapang magulang sa lugar na iyon. Ayaw din sa kanya ng Tita Toria niya na acting manager ng Grandia Resort - property na pag-aari rin niya.
Dumating sa buhay niya si Jamie. Isa itong nilalang na kalahating tao, kalahating isda. Kakatwang, kapangalan at kahawig nito ang kuya niyang sumalangit na rin. Ilang beses siya nitong nailigtas sa panganib at naging palagay na ang loob niya rito.
Isa raw engkanto ng tubig si Jamie. Ang siste, may nadiskubre si Rose sa bagong kaibigan. Kumakain ito ng tao!
LUNA'S TRIANGLE by Veronica Cullen [P99, 120 pages]
Luna has successfully hidden her werewolf identity at university for over a year, but her secretive life is disrupted when she meets Colten, a fellow werewolf, and Marco, an unsuspecting human. As she grows closer to both boys, Luna struggles to maintain her secret and must soon choose between them.