Ang Catechism for Filipino Catholics o Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko (KPK) ay opisyal na pinagtibay ng Vaticano na Pambansang Katolikong Katesismo para sa Pilipinas. Isa sa pangunahing tungkulin ng KPK ang langkapin ang opisyal na aral Katoliko ng unibersal na Simbahan batay sa iminungkahi sa Catechism of the Catholic Church o Katesismo ng Simbahang Katolika at ang Acts and Decrees of the 2nd Plenary Council of the Philippines kalakip ang suplemento nitong National Pastoral Plan na sa kabuua’y naglalahad ng nagkakaisang pananaw sa pambansang kultura at tiyak na kalagayang kateketikal sa Simbahan sa Pilipinas.