Ang ATOVI ay isang imbensyon at gawang pinoy na naka-base sa sistemang “nanotechnology.” Ito ay isang feed premix powder na gawa sa mga bitamina at mineral. Gayunpaman, ito ay lubos na naiiba mula sa nakasanayan na feed premix sa merkado. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito ay makukuha at magagamit lahat ang mga nutrisyon at medikasyon na ibinibigay sa mga hayop sa pamamagitan ng pagpapalakas ng enerhiya sa selyula sa katawan ng mga alagang hayop para maging episyente ang buong katawan ng hayop.
Kung episyente ang mga cells, otomatikong sila ay makapagpaparami (regenerate) at kasunod ang pagtaas ng resistensya or “immune system at “antibodies” o sariling panlaban sa sakit. Sa Atovi, ang sustansya na nasa pakain (feeds) at ang mga gamot (vaccine/bakuna) ay siguradong makukuha at mapapakinabangan. Ang patunay dito ay unti-unting pagkawala ng baho ng dumi, na nangangahulugan na ang good protein sa feeds ng hayop ay napakinabangan.
Ang Atovi ay maaaring ibigay sa halos lahat ng hayop, halaman o pananim, aquaculture species.