Hatid sa atin ng premyadong kuwentista na si Augie Rivera ang isang orihinal na kuwento tungkol sa pinagmulan ng sibuyas na binudburan ng mga nakatatawa, kakaiba, at nakapangingilabot na rekado ng mga sinaunang alamat. Lalong pinatingkad ng kabigha-bighaning mga larawan ng premyadong ilustrador na si Beth Parrocha ang kagila-gilalas na kuwentong ito ng isang mapanlinlang na bata, ang mapagmahal niyang mga magulang, at isang diwatang may maraming mata.