Mayroon itong adjustable ear loops upang masiguro na angkop ito sa iba't ibang sukat ng ulo. Bukod dito, ang Banig face mask ay eco-friendly dahil hindi ito nakakasira sa kalikasan.
Dahil gawa ito sa banig, malamig at komportable ang pakiramdam kapag ginagamit. Hindi rin nakakasagabal kapag ginagamit dahil breathable siya.
Ang Banig face mask ay locally handmade kaya siguradong maganda at matibay ang kalidad nito. Ito rin ay isang suporta para sa mga lokal na produkto.